Archive for November, 2008

goodbye mam nel

i hate to tell this but im saying goodbye to the person who played a very special role to me, mam nel

i love you and please tell Lord im a good girl.

i will never forget you.

No comment »

ako pa ba ito?

PARANG HINDI NA AKO YUNG DATING LOISA

KONTING SALITA LANG ANG NASABI KO NGAYON

AYOKONG MAKIPAG-USAP SA MGA KATRABAHO KO

NAGSISIKIP ANG DIBDIB KO

GUSTO KONG SUMIGAW

GUSTO KONG UMIYAK

AYOKONG TUMAWA

BASTA NALANG TUMUTULO LUHA KO

No comment »

TULOG SA GRADUATION DAY!

salamat sa account ni Kristy at nakuha ko tong picture na toh. matagal ko na kasing hinahanap itong letrato ng kaibigan ko na naaktuhang tulog sa mismong araw ng pagtatapos.

well, what more can i say? wala namang bago e, dahil kundi tulog yan laging namang late.

ito ang pa-birthday ko sayo Ace. instant stardome.

Happy Birthday! See you soon at magpakain ka.

No comment »

LUTO DAY!

today, walang katapusang luto ang ginawa namin ni ma’am ruby.

nakakapagod pero oks lang.

sumakit ulo ko, hindi ko alam kung kulang sa tulog o nalipasan ng gutom dahil sa paghahabol ng mga deadlines.

maghapon akong naghintay sa pag-online ni aris.

e antanga ko! friday pala ngayon wala silang pasok sa opis.

first friday of the month kaya magsisimba ako sa quiapo katulad ng ginagawa namin dati this time mag-isa nalang ako.

kaya babush na kasi kelangan kong mag-out ng maaga.

No comment »

crepe hooray!

gumawa ako ng crepe ngayon.

banana crepe with local twist.

may coco jam, o saan ka pa?

tama, coco jam.

masarap kaya.

sobrang sarap

ubos ang 16 pcs.

si vincent na anak ni ma’am gigi nga, naka- 3 crepes pa e.

napatunayan ko masarap talaga gawa ko.

pero alam nyo, kapag luto ko wala akong amor kainin.

bakit kaya ganun ano?

hindi ko rin alam e.

bukas ibang recipe naman ang gagawin ko.

ang saya magluto!

No comment »

UNDAS!

Simimulan ang araw ko ng bad mood. Wala akong maisuot na damit kasi naglaba si mama the day before ng undas. 11 a.m. na kame nakarating sa SAN JUANCEMETERY.

ETO ANG CATCH!

Handing – handa na kameng lahat na magtirik ng kandila nang Makita naming ang naaagnas ng bangkay sa katabi ng puntod ng kapatid ko. Muntik na ako masuka, oo pero mas naawa ako sa patay na yun. Patay na nga sya, walang kalaban – laban tapos pinagnakawan pa ng puntod. Kung sino man ang gumawa nun, malamang may sariling syang rason. Ang akin lang, sana naman ay inilagay sa tamang lagayan kung tatanggalin sya sa lugar nya. Sana rin, isinama man lang ang lapida para may pagkakakilanlan ang bangkay.

Nagreklamo ako sa management ng sementeryo. Dun ko nalaman na hindi lang ako ang may reklamo. Kung tutuusin, sisiw lang ang reklamo ko. Maraming sa kanila ang nawalan ng patay. May kakarenew lang ng kontrata sa sementryo e biglang nawalan ng patay.Ngayon, hindi nila malocate ang buto ng kamag-anak nila.

Bigla akong naalarama, naisip ko tuloy na ilipat ng buto ng kapatid ko sa sementeryo na malapit samin. Dun sa maayos, para naman panatag kame. Hindi ako masyadong makatulog dahil lagging kong inaalala ang buto ng kapatid ko. Sana hindi na pag-interasan ang maliit nyang puntod. Sana may mga taong makuntento nalang sa kung anung meron sila at hnidi na gumawa pa ng mga iligal na Gawain para lang kumita ng pera. Sana rin, maging patas ang mga taong buhay sa pag-asikaso ng mga reklamo. Hindi lang yung dahil sa maganda bihis nila kaya bibgyan ng atensyon. Well, ganun talaga e. hindi lahat ng tao pare-pareho.

Sa kabuuan, masaya naman ang undas ko dahil nagkarron kameng mag-anak ng time to bond.

Comments (1) »