UNDAS!

Simimulan ang araw ko ng bad mood. Wala akong maisuot na damit kasi naglaba si mama the day before ng undas. 11 a.m. na kame nakarating sa SAN JUANCEMETERY.

ETO ANG CATCH!

Handing – handa na kameng lahat na magtirik ng kandila nang Makita naming ang naaagnas ng bangkay sa katabi ng puntod ng kapatid ko. Muntik na ako masuka, oo pero mas naawa ako sa patay na yun. Patay na nga sya, walang kalaban – laban tapos pinagnakawan pa ng puntod. Kung sino man ang gumawa nun, malamang may sariling syang rason. Ang akin lang, sana naman ay inilagay sa tamang lagayan kung tatanggalin sya sa lugar nya. Sana rin, isinama man lang ang lapida para may pagkakakilanlan ang bangkay.

Nagreklamo ako sa management ng sementeryo. Dun ko nalaman na hindi lang ako ang may reklamo. Kung tutuusin, sisiw lang ang reklamo ko. Maraming sa kanila ang nawalan ng patay. May kakarenew lang ng kontrata sa sementryo e biglang nawalan ng patay.Ngayon, hindi nila malocate ang buto ng kamag-anak nila.

Bigla akong naalarama, naisip ko tuloy na ilipat ng buto ng kapatid ko sa sementeryo na malapit samin. Dun sa maayos, para naman panatag kame. Hindi ako masyadong makatulog dahil lagging kong inaalala ang buto ng kapatid ko. Sana hindi na pag-interasan ang maliit nyang puntod. Sana may mga taong makuntento nalang sa kung anung meron sila at hnidi na gumawa pa ng mga iligal na Gawain para lang kumita ng pera. Sana rin, maging patas ang mga taong buhay sa pag-asikaso ng mga reklamo. Hindi lang yung dahil sa maganda bihis nila kaya bibgyan ng atensyon. Well, ganun talaga e. hindi lahat ng tao pare-pareho.

Sa kabuuan, masaya naman ang undas ko dahil nagkarron kameng mag-anak ng time to bond.

1 Response so far »

  1. 1

    aris said,

    November 4, 2008 @ 8:29 am

    nasobrahan na ata inlove ko sau. sorry.

    anyway, walang hiya talaga yung mga nagpapatakbo ng sementeryo kaya talagang kailangan habang kayang gawan ng paraan, magpasiguro na merong mabiling lupa na kung saan makapagpapatayo ng museleum para kapag oras na, may mapaglilibingan tayo na kung saan hindi mabababoy ang libingan.

Comment RSS · TrackBack URI

Say your words