Archive for December, 2008

wanna know who was with me this weekend?

11am, i woke up last saturday. i was don’t know if i will go to my dentist that afternoon for she didn’t confirm the appointment. come 12 noon, i decided to go to aris’ place to give my gift to his uncle and auntie.

umalis ako sa bahay ng alas tres ng hapon. expecting i’ll be there by 4:30. e pota naman, ang trapik. ayun, sa kabutihang palad ay dumating ako sa kanila ng 6 ng gabi.

stressful.

i wasn’t expecting his mom to be there kasi malamang nakaalis na yun papuntang gawain sa el shaddai. pero hindi pala, andun pa siya. nagkagulatan pa kame nung pumasok ako sa kanila dahil wala akong pasabi na pupunta.

niyaya ako ni nanay na sumama sa kanya sa gawain, at dahil sa wala naman akong gagawin kinabukasan at linggo naman, sumama ako. bagama’t hindi handa. wala man lamang akong jacket.

mabilis lang ang byahe, 9pm andun na kame, sakto sa misa.

pagdating dun, akala ko kung may anong kaganapan.

biglang may malakas na ugong.

galing sa langit.

pagtingala ko, eplayn. ( sabi ni carlo )

hahaha, naaliw ako may eroplano. ang laki, abot-kamay mo lang.

ang saya.

nakalimutan ko na malapit lang dun ang domestic airport. ang galing talaga. sana pwede naman isama si carlo dun para makita nya ang mga airplane. kaso andun sya sa nanay nyang ubod ng bait. hay.

bukod sa eroplano, gumaan ang pakiramdam ko dahil nakapagdasal ako ng maayos. bago magpasko ay naliwanagan ang isip ko sa mga bagay-bagay na kelangan ipagdasal. ganun pala ang pakiramdam. makakita ka ng mga tao na iisa ang pinaniniwalaan tulad ng sa iyo. the unity and short time peace.

sa aming pag-uwi, ramdam ko parin ang kakaibang aura. natulog lang saglit at bumili na ng washing machine nila aris kasama si kuya arvin at mama nya. ganyan ko dinaos ang weekend ko, masaya at mapayapa.

No comment »